salu-salo
Tagalog
Alternative forms
- salusalo
Etymology
Reduplication of salo (“eating together”).
Pronunciation
- IPA(key): /(ˌ)sa.luˈsa.lo/
- Hyphenation: sa‧lu‧sa‧lo
Noun
sálu-sálo
- dinner party; banquet; feast
- May salu-salo sa bahay namin sa susunod na linggo.
- We will have a dinner party in our house next week.
- Synonyms: bangkete, piging, handaan, pista, kangay
- year unknown, Higit Na Kaunlaran, Rex Bookstore, Inc. (→ISBN), page 16:
- “Di ba't kaarawan ni Maricel at may salu-salo sa kanila sa Sabado? Gusto kong maganda at angkop ang suot ko.” Ano kaya ang nararapat isuot ni Neneng sa salu-salo ni Maricel? Ang kasuotan ay dapat iangkop sa okasyon o pagkakataon, ...
- 1968, Jean Donald Bowen, Babasahing Panggitnang Baytang Sa Tagalog, Univ of California Press, page 110:
- Mayroon silang handang programa at isang salu-salo para sa mga darating. Kasama si Nena sa mga sasalubong sa kanila. Isa na siyang guro sa kanilang paaralan. “Ano kaya ang kanilang hitsura?" tanong ng isang guro. “Mga guwapo ...
- 1973, Liwayway
- Kasama ni Mitzie ang ilang kaanak at mga magulang at sila'y hahandugan ng isang salusalo ng tagapagtaguyod ng timpalak na nagpapalaganap sa turismo. May bitbit akong mga kuwintas ng sampagita at parang nag-aatubili pang lumapit ...
- 1988, The Diliman Review
- Madalas silang haranahin ng mga banda o kaya'y bigyan ng salusalo ng mga masang taga-Maynila. Makaapat na ulit silang nasa Maynila noong isagawa ng mga maykapangyarihang Amerikano ang pangalawang yugto ng kanilang ...
- 1989, Ruby V. Gamboa-Alcantara, Nobela: mga buod at pagsusuri, Rex Bookstore, Inc. (→ISBN), page 72:
- Nagkaibigan ang dalawa samantalang baliw pa rin si Amor. Nagdaos ng salu-salo si Dany sa malaking bahay nito at inanyayahan ang mga taong nabibilang sa mataas na lipunan. Hindi alam ng mga inanyayahan ang tunay na dahilan ng ...
- 1993, Carlos Bulosan, Carolina S. Malay, Nasa puso ang Amerika: kasaysayang buhay ni Carlos Bulosan
- Isang gabi, noong magaling na si Macario't nagtatrabaho na uli, naimbitahan ako sa isang salusalo para sa isang edukador na Pilipino na kararating lang mula sa Pilipinas para pag-aralan ang ilang aspeto ng modernong sistema ng ...
- 2012, Rhodalyne Gallo-Crail, Michael Hawkins, Filipino Tapestry: Tagalog Language through Culture, University of Wisconsin Pres (→ISBN), page 115:
- Pumupunta ka sa mga salu-salo. Tumutulong ka sa paglilinis ng bahay kapag may salu-salo. Nagluluto ka ng mga ulam kapag may salu-salo sa bahay ninyo. Nagluluto ka ng mga panghimagas kapag may salu-salo sa bahay ninyo.
- 2014, Kirsten Nimwey, The Explorers (Tagalog Edition), Kirsten Nimwey (→ISBN)
- Ginanap ang masayang salu-salo sa isang napakalaki at marangyang palasyo. Ito ang palasyo ng Reminescence. Pinakamayaman sa lahat ng mga kalaban ng Explorers ang Reminescence. Aba, hindi lang sila puro yaman, ang mga ...
Adjective
sálu-sálo
- together (as a group, friends, or family)
- Salu-salo kaming kumain sa bahay ni Rita.
- We ate together in Rita's house.
- Synonyms: magkakasalo, magkakasama, sama-sama